AFAB at CDC, pinalakas ang ugnayan sa Trade Systems Benchmarking

Nagsagawa ang Clark Development Corporation (CDC) ng benchmarking visit sa Freeport Area of Bataan (FAB) upang pag-aralan ang mga proseso sa kalakalan, mga umiiral na polisiya, at online systems ng Enterprise Assistance Division ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB).

 

Sa naturang pagbisita, inobserbahan ng CDC ang mga naitatag na trade processes at best practices ng AFAB na nagsilbing mahalagang batayan para sa posibleng pagpapahusay ng sariling sistema ng ahensya.

 

Ibinida rin sa benchmarking activity ang mga inisyatiba ng AFAB na naglalayong isulong ang mas episyente at koordinadong trade facilitation sa loob ng Freeport, kabilang ang paggamit ng makabagong online platforms.

 

Bukod dito, nagsilbi ring pagkakataon ang aktibidad upang higit pang mapalakas ang partnership at kolaborasyon sa pagitan ng AFAB at CDC, kasabay ng patuloy na pagsuporta sa layunin ng CDC na paunlarin at iangat ang kanilang trade systems.

Leave a comment