AgricultureNews

Ani ng mga magsasaka, may siguradong bibili

0

Wala nang suliranin ang mga magsasaka sa kanilang aanihing palay, gulay at isda sa Lungsod maging sa buong Ikalawang Distrito ng Bataan.

Ayon kay City Agriculturist at Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo, ang direktang tutugon dito ay si G. Joshua Aragon, hepe ng Zagana.Com.

Sinabi ni Bb. Mateo, na dati problema ng mga magsasaka kung saan ibebenta ang kanilang ani, ngayon pupunta ka lang sa website ng Zagana ay makakapag transaksyon ka na sa kanila.

Ipinahayag pa ni Mateo na mismonhg ang umani ang magbibigay ng presyo na naaayon sa kanyang ginastos.
Kasama sina Bb. Alona Polintan, G. Ronnie Lopez at G. Jimmy Sombilla, mga City Agricultural Extension Workers, personal na binisita ng grupo ng Zagana ang mga palayan at gulayan para masiguro na makasasapat ang suplay na kanilang maaangkat.

Sa pakikipag-ugnayan nina 2nd District Congressman Joet Garcia at City Mayor Francis Garcia, napasok sa Bataan ang Zagana ay para tulungan ang ating mga kababayang magsasaka.

Latest posts by Jonie L. Capalaran (see all)

Mga meyor, pinaalalahanan

Previous article

AFAB awards firms, individuals for top performance

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture