Bagac MDRRMO nagdaos ng re-orientation sa exercise design

Patuloy ang pagsisikap ng bayan ng Bagac sa pangunguna ni Mayor Ron del Rosario na palakasin ang kanilang kahandaan at kakayahan lalo na ng kanilang MDRRMO sa pagharap sa anumang kalamidad o sakuna.

 

Kung kaya’t nagkaroon sila ng Re-orientation on Exercise Design and Hazards sa kanilang coastal communities na dinaluhan din ng OCD III CBTS, OCD II OS, Bataan PDRRMO at Bagac MDRRMO.

 

Ipinaliwanag ni Mayor Ron del Rosario na layunin ng programa na mapalalim pa ang kaalaman ng kanilang mga opisyal at mga responders upang mas maging epektibo sa pagtugon at paghahanda sa mga panganib lalo na sa mga baybaying-dagat.

 

Nais niya na higit pang magkatulungan ang lahat para mapanatiling ligtas, handa at matatag ang mga Bagakeño.

Leave a comment