banner

Bagac modernized transport umarangkada na

Written by
  • Greg R.
  • 1 year ago

Umarangkada na ang Bagac Modernized Transport system na bumibiyahe sa rutang Bagac-Balanga may dalawang linggo na ngayon.

Ang sampung unit ng makabagong sasakyan na fully-airconditioned ay maluwag sa loob at kumportable sa pasahero. Ang pamasahe sa Balanga-Bagac ay ipinantay na rin sa rate na P48 bawat pasahero sa lumang jeepney.

Ayon kay Nick Santiago Ancheta, Bagac municipal administrator, maraming residente ang pabor sa Bagac Modernized Transport dahil sa malaking ginhawa nito at “mas safe para mga pasahero.”

Sinabi pa ni Ancheta na noong una pa lang na itinatayo ang makabagong transport group ay inimbita ang mga jeepney drivers ng Bagac subalit hindi umano nakadalo ang mga ito para pag-usapan ang magandang plano.
Ang Bagac Modernized Transport group ay isang korporasyon na kung saan lahat ng kasama dito ay may kanya-kanyang ambag para sa ikauunlad ng negosyo.

Larawan mula sa Bagac Modernized Transport fb page.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares