News

Bagong munisipyo, pinasinayaan

0

Binuksan na ang bagong dalawang palapag na gusali ng Pamahalaang Bayan ng Abucay na matatagpuan sa Brgy. Calaylayan ngayong ika-28 ng Disyembre.
Ayon kay Municipal Secretary Leo Manrique, umabot umano sa P70 milyon ang halaga ng naturang bagong gusali.

Sinabi pa ni Secretary Manrique, naitayo ang bago at maaliwalas na gusali sa tulong nina Governor Albert Garcia na nakapag-ambag ng halagang Php20 milyon, habang Php10 milyon ang galing sa pondo ni Senator Cynthia Villar at Php40 milyon ang hinugot sa badyet ng Pamahalaang Bayan ng Abucay sa ilalim ng liderato ni Liberato “Pambato Santiago.
Kaugnay nito pinasalamatan naman ni Vice-Mayor Robin Tagle, ang lahat ng nagbigay ng tulong at siya di-umano ay nagagalak dahil sa araw na ito ay binasbasan ang gusali.
Idinagdag pa ni Vice-Mayor Tagle, ito na ang simbolo ng bagong pag-asa, bagong simula, moderno at mabilis na paglilingkod sa kanyang bayan.

Latest posts by Jonie L. Capalaran (see all)

Subic Freeport Expressway opens to motorists

Previous article

Opening of new SFEX lanes to ease holiday traffic in Subic

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News