Sa sobrang tuwa ni P/Col Romell Velasco, Bataan PNP Provincial Director sa magandang ipinamalas ng kanyang mga tauhan ay nagbigay siya ng insentibo sa 13 miyembro ng PNP Bataan na malaki ang naging bahagi para mapanatiling number 1 ang Bataan PNP sa Performance Evaluation Rating sa Region 3.
Ayon kay PD Velasco, dahil sa ipinakitang “strong commitment and dedication to public service” ng 13 miyembro ng kapulisan noong mga buwan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon ay napanatili natin sa buong rehiyon ang pagiging no. 1 sa Performance Evaluation Rating.
Ayon pa rin kay Col. Velasco, “their devotion to their respective tasks is a manifestation of their competence to their duty which is worthy of emulations”.
Ang mga nabigyan ng Certificate of Recognition at limang libong pisong cash incentives ay sina, PMAJ Emerson Coballes- MPS Hermosa; PCpt Jared Seth Gapielago- 2nd PMFC; PEMS Zorovabel Cruz- Orani MPS; PEMS Rodolfo Bustos- Pilar MPS; PEMS Angelito Bueyeng- Samal MPS; PCMS Romel Buduan- Dinalupihan MPS; PCMS Alec Punsalan- Orion MPS; PEMS Rolando Publico- Chief Clerk ( PARMU); PEMS Roy Castillo- Finance PNCO; PEMS Luisito Guzman- Chief Clerk PPPU; PEMS Isagani Borja- Supply PNCO at PCMS Joan Ongoco – Chief Clerk PCADU.
Samantala, marami ring tauhan ng PNP mula sa iba’t ibang station ang nabigyan ng promotion dahil malaking factor din umano ang performance, dahil ayon pa rin kay PD Velasco, their efforts greatly contributed to the over-all accomplishment of Bataan PNP adjudged no. 6 in the Unit Performance Evaluation Rating ( UPER) in the police regional office 3 for the month of December 2022.