COVID-19 NewsFeatured

Bataan, planong bumili ng bakuna kontra COVID—19

0

Plano umanong bumili ng bakuna kontra COVID—19 ang Pamahalaang Panlalawigan para maprotektahan ang kalusugan ng mga Bataeno. Ito ang tinuran ni 2nd District Congressman Joet Garcia nang magpamahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ayuda sa mga tricycle driver sa ilalim ng programa nito na Tulong Panghapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers noong ika-23 ng Disyembre sa covered court ng Doña Francisca Subd. Balanga City.

Sinabi naman ni DOLE Provincial Director Ms. Leilani M. Reynoso, mula sa kabuuang bilang na 4,136 na beneficiaries umabot sa 1,303 tricycle drivers ang nabigyan ng tulong sa TUPAD Program ng DOLE sa tulong nina Congressman Joet at Rep. Ronnie Ong (Probinsyano Party List).
Ayon naman kay City Mayor Francis Garcia, dahil sa TUPAD nadagdagan ang nabigyan ng trabaho hindi lang yung mga nawalan ng trabaho maging yung mga mahihirap nilang kababayang hindi nabigyan ng Social Amelioration Program ng DSWD sa Lungsod.

Firecrackers bawal sa Dinalupihan

Previous article

Cashless transaction, isinusulong

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply