banner

Bayan ng Pilar umani ng mga parangal

Written by
  • Zeny S.
  • 3 months ago

Walang pagsidlan ang kagalalakan si Mayor Charlie Pizarro ng Pilar dahil halos lahat ng mga parangal para sa mga yunit pamahalang lokal (LGU) ay nakuha ng kanilang bayan.

Ang mga nasabing award ay ang mga sumusunod; Anti- drug abuse Council Special Award mula kay DILG Secretary Eduardo Ano; 2021 Anti-drug Council Performance Award para sa kanilang mahusay na pagtulong sa pamahalaang nasyonal sa kampanya laban sa mga ilegal na gamot kung saan ay nakakuha sila ng 100 porsyento o functionary points sa makaraang ADAC performance audit; 2022 National Anti-drug Council Performance kung saan ay muli silang nakakuha ng 100 functionary points; Gawad Kalasag Award; SGLG o Seal of Good Local Governance at ang 2022 Subay Bataan Special Award.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ito ang pinakamagandang regalong natanggap ng bayan ng Pilar ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares