News

Bayan ng Samal tumanggap ng 3 awards

0

Kamakailan ay tatlong malalaking awards ang natanggap ng bayan ng Samal: Best Treasurer’s Office, 2020 MTO Collection Target for Total Revenues; 2nd Place, 2018 at 2019 Outstanding Local Civil Registry Office for Extra Small Category at 3rd place, Best LGU for 2020 LGU Compliance Assessment Results Manila Bay Clean Up Rehabilitation and Preservation Program.

Pinuri at pinasalamatan ni Mayor Macalinao ang kanilang Municipal Treasurer na si Gng. Emy dela Rosa at mga kawani ng Treasurer’s Office sa napakalaking karangalang ipinagkaloob ng mga ito sa Pamahalaang Bayan ng Samal.
Ayon pa kay Mayor Aida, “nakabibilib at nakamamangha ang kanilang tapat na paglilingkod, kung saan ay napananatili nila ang maayos na daloy ng mga transaksyon at mataas na antas ng paglilingkod, dahilan para patuloy na makapagbigay ng maayos na serbisyo-publiko, mga proyekto at aktibidad para sa aming mga kababayan. Isa sila sa aking inspirasyon sa paglilingkod sa bayan ng Samal”.

Mango farmers to get pesticides loan

Previous article

PEMSEA commends Bataan’s ICM programs

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News