News

Bishop Santos, nanguna sa misa sa “Pagbubukas ng Pinto ng Hubileo”

0

Pinangunahan ni Bishop Ruperto Santos ang misa sa “Pagbubukas ng Pinto ng Hubileo” sa parokya ng pinakamatandang simbahang katoliko sa Bataan, ang Sto. Domingo Parish Church sa bayan ng Abucay.

Sa pagdiriwang ng ika-500 taong Anibersaryo ng Kristyanismo sa bansa, magkakaroon umano ng Pagbubukas ng Pinto ng Hubileo sa may 537 jubilee churches sa buong Pilipinas kabilang na ang Sto Domingo parish church na pagkakalooban umano ng Santo Papa ng Indulgencia Plenarya (Plenary Indulgence).
Samantala sa kanyang Homilya, sinabi ni Bishop Santos na ang Pagbubukas ng Pinto ng Banal na Templo na siyang tahanan ng Panginoon, ang lahat nang tumuloy ay magkakamit ng awa at kaligtasan.

Na bilang tayo ay mga binyagan, “ikaw at ako” ay Templo na kung saan tatlong bagay ang dapat nating isabuhay at baunin bilang simbahan: ito ay ang vitamin C, cleanliness, conservation at consecration. Dagdag pa ni Bishop Santos, ayon kay Cristo, tatawagin itong bahay dalanginan na sa pagpasok sa Pinto dapat ay malinis ang puso at isipan.

Ayon pa sa Obispo, natural sa atin ang pangangalaga subali’t pinagtutuunan natin ang dating tama, pagpapakita ng maganda at mas mabuti, ito ang conservation, walang konstruksyon, inilabas lang at ipinakita ang dati niyang ganda, “the old has passed away, the new has come”.
At ang pangatlo, ang consecration na maging banal para sa Diyos, na ang pagiging banal ay pagpapala ng Diyos upang ang binabasbasan ay pagpalain.

Bakuna,depensa laban sa COVID-19

Previous article

“Kayang- kaya mo, Abukeno”.

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News