banner

BNHS-JHS Enrique “Tet” Garcia Auditorium, pinasinayaan

Written by
  • Zeny S.
  • 3 weeks ago

Pinasinayaan noong Lunes, ika-13 ng Hunyo ang BNHS-JHS Enrique Tet Garcia Auditorium sa pangunguna nina Gov. Abet Garcia, kasama sina Cong. Joet Garcia, Balanga City Mayor Francis Garcia, BNHS Principal Dr. Alma Poblete, Balanga City Division Office Superintendent Ronnie Mallari, mga guro, mag-aaral at magulang. Ginunita din nang araw na iyon ang ika-6 na taong pagpanaw ni dating Gov./Cong. Enrique Tet Garcia Sr.

Sa Bataan National High School (dating Cayetano Arellano Memorial High School) nagtapos si Gov Tet Garcia bilang isang aktibong student leader. Ang nasabing auditorium ay ang dating Magsaysay gym na mas pinaganda, mas maaliwalas at ginawang mas kumportableng pagdausan ng mga seminars, conferences at iba pang gawain at pagtitipon ng nasabing paaralan.

Naging matagumpay ang nasabing proyekto sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Pamahalaang Lungsod ng Balanga, tanggapan ni 2nd District Representative Joet Garcia at ng BNHS Alumni Association na lubos namang pinasalamatan ni Dr. Alma Poblete.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares