Pormal nang nagbukas nitong Lunes, ika-5 ng Enero ang Business One-Stop-Shop (BOSS) 2026 sa bayan ng Dinalupihan upang gawing mas mabilis, mas maayos, at mas episyente ang proseso ng pagpaparehistro at pag-renew ng mga business permits ng mga negosyante.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bukas ang BOSS mula ika-5 hanggang ika-20 ng Enero 2026, simula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Layunin ng programa na pagsama-samahin sa isang lugar ang mga ahensyang sangkot sa pagproseso ng business permits upang mabawasan ang oras at abalang dinaranas ng mga aplikante.
Ipinaalala rin ng pamahalaang bayan na walang ipagkakaloob na extension sa itinakdang iskedyul ng BOSS 2026.
Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng negosyante na magtungo nang mas maaga upang maiwasan ang siksikan at matiyak ang maayos at agarang pagproseso ng kanilang mga permit.