Taliwas sa traditional na pageant ng mga buntis, isang makabuluhang Buntis Congress nang may 574 na mga kababaihan na nasa 3rd trimester ng kanilang pagdadalang-tao, ang tinipon sa Bulwagan ng Bayan ng Dinalupihan.
Sa pangunguna nina Mayor Tong Santos, Dr. Lahaina Bulaong at Dr.Kyren Ladao, nabahaginan ng mahahalagang kaalaman ang mga nanay na nagdadalang-tao. Sa isang maikling infomercial video ng DOH Guidelines sa pre-natal at post natal, ang nagbigay ng mahalagang paalala para sa Kalusugan ng mga nanay at sanggol na kanilang dinadala.
Sa tulong ni 3rd District Representative Gila Garcia na kinatawan ni Chief of Staff Rollie Rojas, namahagi ng tulong na pinansyal ang Pamahalaang Bayan ng Dinalupihan sa mga buntis na nanay bilang paghahanda sa kanilang panganganak.