BusinessNews

Business climate, paganda na ayon sa mga business counselors

0

Sa katatapos na year-end Kapihan ng DTI kahapon sa Nena’s Inasal kasama ang lahat ng business counselors ng mga Negosyo Centers sa buong lalawigan ay iisa ang sinabi nilang maganda sa kabuuan ang business climate sa Bataan kahit pa nagkaroon ng pandemya.

Ayon sa DTI umabot umano sa kabuuang bilang na 7, 283 ang mga bagong rehistrong negosyo ngayong taong ito, kung saan 2, 824 ang direktang nagparehistro sa DTI main office samantalang 4, 459 naman ang mga galing sa negosyo centers.

Sinabi pa ng mga business counselors na noong unang isailalim ang probinsya sa ECQ ay totoong maraming negosyo ang naapektuhan kung saan marami dito ang nagsara, subalit sa gitna ng pandemya ay marami ring oportunidad ang nagbukas at umusbong lalo na sa food business, kung saan ay nauso ang mga online business at mga homemade food business.
Ayon pa sa mga business counselors, sa pagluwag umano ng sitwasyon ng quarantine sa lalawigan ay kasabay nito ang unti unting pag-angat ng ating ekonomiya dahil sa pagbubukas muli ng mga negosyo lalo na ngayong papalapit na ang Pasko.

Isa pa umano sa magandang resulta ng mahusay na performance ng mga negosyo centers ay dahil sa magandang coordination at pagpapahalaga na ibinibigay sa kanila ng mga executives ng mga LGU’s na higit pa nilang sinusuklian ng sipag sa paghihikayat pa ng mga business registration, renewal at business up-gradings.

Inaasahan pa ng mga business counselors sa susunod na taon ang higit pang pag-angat ng mga negosyo dahil sasabayan nila ito ng mga tamang paggabay sa mga negosyante at paghikayat sa mga nagnenegosyo sa mga barangay na magparehistro ng kanilang business name.

Bayanihan Grant to the Province

Previous article

DTI: Marami ang nagnenegosyo kahit may pandemic

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business