banner

Bataan Development Authority aarangkada na

Written by
  • Jonie L. C.
  • 9 years ago

    Pilar, Bataan – Ano mang buwan mula ngayon magsisimula nang magtrabaho ang mga opisyal ng Metro Bataan Development Authority MBDA sa Lalawigan ng Bataan.

   Ang Metro Bataan Development Authority ay masusing pinag-aralan ni Governor Albert Garcia bilang  priority project ng Pamahalaang Panlalawigan para makatuwang nito sa paglutas sa mga nagaganap na vehicular accident sa kahabaan ng super highway mula Layac hanggang Mariveles at National Road mula Bagac at Morong.

  Ang Traffic Management  ay binubuo ng Chairman na pamumunuan ni Governor Garcia; dating Pilar Mayor Charlie Pizarro, bilang General Manager;  dalawang Assistant Manager, Secretary, Treasurer, Auditor at 12 Board of Directors (mga alkalde sa bawa’t bayan at isang lungsod).

Kabilang na din rito ang pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) 1st & 2nd District, PNP, Army, 117, Radio Group at lahat ng safety security sa lalawigan.

Sa isang Presscon ipinahayag ni GM Pizarro maaaring mag-function ang kanilang tanggapan ngayong darating na summer at bilang paghahanda na rin sa darating na 72nd Bataan Day Celebration. Hindi man umano mapigilan ang lahat ng sakuna sa lansangan kailangan mabawasan, dagdag na pahayag pa nito.

Sinabi ni Pizarro kapag nag-operate na ang ahensiya mahigpit na ipagbabawal ang pumarada ng mga malalaking truck lalo na sa gabi sa mga gilid ng naturang highway dahil isa ito sa mga sanhi ng sakuna.

Plano rin na gibain ang mga istraktura na sakop ng right of way mula 15 metro sa kaliwa at kanang bahagi ng highway subali’t ito umano ay mahabang proseso at  hindi agad agad na ipatutupad, ayon pa sa GM ng MBDA.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Pizarro na hangad ni Governor Garcia na i-tie-up ang Metro Bataan Development Authority sa Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil ang organisasyong ito ay pang National at ito ay naihain na umano  sa Development Authority Office.

Plano rin ng Pamahalaang Panlalawigan na magtayo sa isang lugar sa highway ng isang parking space na mayroong Restroom at Shower Room para sa mga motorista na gagawi sa Bataan.

Para maging matagumpay ang programa ng MBDA kakailanganin nito ang mga service tulad ng pick-up, motorsiklo, Towing Truck at helicopter para mabilis na makapagresponde sa mga nasisiraan o banggaan ng mga sasakyan sa kahabaan ng highway. At ang tanggapan nito ay matatagpuan sa dating Sunrise sa Barangay Donya Orani.

Tutulong din ang BDA sa pagsasaplano ng Flood Control at aayuda na rin sa mga residente na babahain sa darating ng tag-ulan o sa mga biktima ng kalamidad sa buong lalawigan.

Kaugnay nito umaapela si Bataan Governor Albert Garcia sa lahat ng mga Barangay Opisyal, Mayors, NGOs, Media, lahat ng Radio Group at mga residente na suportahan ang nasabing programa ng pamahalaan sa ikauunlad at ikakaganda ng proyekto.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business

Comments are closed.

Shares