Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) kahapon sa bayan ng Samal ang kanilang programang Cash and Food Subsidy para sa mga marginalized group na kinabibilangan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Bb. Charito ng DA, ang nasabing programa ay tulong ng kanilang ahensya sa nasabing sector dahil sa epekto ng pandemya at pagkasalanta ng pananim dahil sa mga bagyong Rolly at Ulysses.
Ang nasabing tulong na nagkakahalaga ng limang libong piso ay tatanggapin ng may isandaang magsasaka sa bayan ng Samal. Ang tatlong libong pisong cash ay kanilang kokolektahin sa MLhuiller samantalang ang dalawang libo piso ay katumbas ng manok mula sa Chooks to Go, itlog at bigas.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Macalinao sa DA sa ayudang dinala nila para sa mga magsasaka at mangingisda.
- “Kamay na nag aalay, kamay na nagbibigay buhay” - January 26, 2021
- P10M pondo ibinigay ni Sen. Nancy Binay sa bayan ng Pilar - January 22, 2021
- Mayor Macalinao sang ayon sa “Face to Face Classes” - January 21, 2021
Comments