Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-18 ng Disyembre, umabot na po sa 3,608 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, dalawampu (20) ang mga bagong nakarecover at 117 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact tracing na tatlo (3) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 18 taong gulang na babae mula saa Mariveles
2. Isang 13 taong gulang na babae mula sa Mariveles
3. Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
4. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Mariveles
5. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 3,356 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 9 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
2. Isang 60 taong gulang na babae mula sa Abucay
3. Isang 37 taong gulang lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 23 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
5. Isang 52 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
6. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
7. Isang 33 taong gulang na babae mula sa Limay
8. Isang 45 taong gulang na babae mula sa Limay
9. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
10. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Limay
11. Isang 22 taong gulang na babae mula sa Mariveles
12. Isang 17 taong gulang na babae mula sa Morong
13. Isang 57 taong gulang na lalaki mula sa Morong
14. Isang 50 taong gulang na babae mula sa Morong
15. Isang 41 taong gulang na lalaki mula sa Orani
16. Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Orani
17. Isang 34 na taong gulang na babae mula sa Oranai
18. Isang 9 taong gulang na lalaki mula sa Orani
19. Isang 58 taong gulang na lalaki mula sa Orani
20. Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Orion
Umabot naman sa pitumpu’t pito (77) ang pumanaw na; ang mga bagong kaso ng pumanaw ay ang
74 na taong gulang na lalaki mula sa Orion at 64 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga. Ang kabuuang bilang ng active cases ay 175 at lahat sila ay naka isolate na; 367 ang naghihintay ng resulta ng test; 35,553 ang nagnegatibo na at 122 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 39,528 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.