COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-13 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,974 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, tatlo (3) ang mga bagong nakarecover at 179 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
1. Isang 57 taong gulang na babae mula sa Limay
2. Isang 47 taong gulang na babae mula sa Abucay
3. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Limay
4. Isang 79 na taong gulang na lalaki mula sa Samal
5. Isang 68 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
6. Isang 67 taong gulang na lalaki mula sa Orani
7. Isang 51 taong gulang na lalaking health worker mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,747 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
2. Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
3. Isang 42 taong gulang na babae mula sa Orani
Umabot naman sa animnapu’t tatlo (63) ang pumanaw na; ang mga bagong kaso ng pumanaw ay ang mga sumusunod:
1. Isang 84 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
2. Isang 80 taong gulang na lalaki mula sa Orani
3. Isang 66 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
4. Isang 68 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 164 at lahat sila ay naka isolate na; 260 ang naghihintay ng resulta ng test; 28,804 ang nagnegatibo na at 188 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 32,038 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan