Covid-19 Update

COVID-UPDATE: OCTOBER 27, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-27 ng Oktubre, umabot na po sa 2,761 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, pito (7) ang mga bagong nakarecover at 272 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na labing dalawa (12) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
2. Isang 84 na taong gulang na babae mula sa Abucay
3. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Abucay
4. Isang 61 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
5. Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Limay
6. Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Orani
7. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Orani
8. Isang 80 taong gulang na lalaki mula sa Orani
9. Isang 80 taong gulang na babae mula sa Orani
10. Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Samal
11. Isang 61 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
12. Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
13. Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
14. Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
15. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
16. Isang 30 taong gulang na lalaking health worker mula sa Orani
17. Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,505 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 37 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
2. Isang 8 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
3. Isang 73 taong gulang na lalaki mula sa Limay
4. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
5. Isang 70 taong gulang na babae mula sa Mariveles
6. Isang 5 taong gulang na babae mula sa Pilar
7. Isang 76 na taong gulang na babae mula sa Pilar

Ang kabuuang bilang ng active cases ay 203 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t tatlo (53) ang pumanaw na; 317 ang naghihintay ng resulta ng test; 25,245 ang nagnegatibo na at 289 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 28,323 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ☝️

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

83 Bataeno, nakatanggap ng negosyo packages mula sa DTI-PPG

Previous article

SBMA: ‘Let’s make fight vs Covid-19 personal’

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply