Masayang ipinagdiwang ang Municipal Day Care Children’s Day 2025 sa bayan ng Pilar na dinaluhan nang lahat ng mga bata mula sa 21 day care centers ng nasabing bayan.
Layon ng Day Care Children’s Day na itampok ang iba’t ibang talento at galing ng mga day care children sa mga patimpalak gaya ng Copy and Color, Solo Singing, Poem Recitation at Cheer Dance na talaga namang nagbigay saya sa lahat.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ang nasabing masaya at makulay na pagdiriwang ay nagbigay inspirasyon sa lahat, kung saan ang mga batang Pilarians ay animo mga bituing nagningning sa kanilang husay at talento.