BusinessNews

DTI: Marami ang nagnenegosyo kahit may pandemic

0

Masayang ibinalita ng 12 Business Counselors (BCs) na siyang nakatalaga sa mga Negosyo Centers ng Department of Trade and Industry (DTI) na dumarami ang nagtatayo ng kanilang negosyo sa buong Lalawigan ng Bataan.

Ito ang ipinahayag ng mga BCs sa isinagawang Kapihan sa DTI sa Mang Inasal nito lang Ika-14 ng Disyembre, kasama ang dalawang District Coordinators sa 1st at 2nd districts ng Lalawigan.

Sinabi ng mga BCs dumarami ang mga nagnenegosyo ngayon kahit nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa.
Ipinahayag ni DTI Information Officer Tess Magtanong, na umabot sa 7,283 ang nagparehistro ng kanilang business name, 2,824 sa tanggapan ng DTI Bataan habang 4,459 naman ang nagpatala sa mga negosyo centers sa Bataan.

Idinagdag naman ni DTI Business Development Division Chief, Concepcion Sanico, na mga bihasa sa pagtanggap ng mga kliyente ang lahat ng kanilang BCs sa Negosyo Center lalo pa at negosyo ang pag-uusapan, katunayan 44 na trainings at seminars ang kanilang naisagawa na at 11,773 kliyente ang kanilang ring naasistehan.

Inaasahan ng grupo na sa pagpasok ng taong 2022, lalo pang madaragdagan ang bilang ng mga negosyante dahil bababa ang mga BCs sa mga barangay dahil sa suporta ng kani-kanilang opisyal ng LGU.

Latest posts by Jonie L. Capalaran (see all)

Business climate, paganda na ayon sa mga business counselors

Previous article

Firm interested to build seaport terminal in Mariveles

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business