Environmental fees, nagamit sa pagbili ng lupa at mga makinarya

Environmental fees, nagamit sa pagbili ng lupa at mga makinarya

Mula sa nalikom na environmental fees, nakabili ng lupa ang Pamahalaang Bayan ng Bagac. Ayon kay Mayor Ron del Rosario nilagdaan na rin ang Site Development Plan para sa itatayong Tourist Rest area with Pasalubong Center sa nasabing lupa na pinondohan umano sa tulong ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority at Department of Tourism.

Binigyang linaw ni Mayor del Rosario na layunin ng proyekto na mabigyan nang magandang karanasan ang mga turistang dadalaw sa bayan ng Bagac at mula dito ay masusuportahan nila ang mga lokal na produkto ng kanilang bayan, mga negosyante at ang pag-unlad ng turismo.

Samantala, kasama si  Municipal Administrator Thea Martirez, MENRO Keesha del Rosario, Tourism Officer Leonardo Herbon, nakiisa si Mayor Ron del Rosario sa ginanap na demonstration sa pagpapaandar ng mga makinarya na gagamitin sa kanilang Material Recovery Faciity (MRF).

Muling pinatunayan ni Mayor Ron del Rosario na kung maayos ang paggamit nang pera ng bayan ay  mas maraming proyekto ang magagawa na mapakikinabangan ng mga mamamayan at para sa kalikasan. |

Leave a comment

Live Search