Estado ng mga fire hydrants sa Limay, tinalakay ng SB

Estado ng mga fire hydrants sa Limay, tinalakay ng SB

Dahil panahon na nang tag-init at madalas ang sunog, tinalakay sa sesyon ng  Sangguniang Bayan ng Limay kamakailan ang pangkaraniwang problema sa mga fire hydrants na kadalasan umano ay sira, hindi gumagana, at kung minsan naman ay walang tubig.

Sa talakayan sa naturang SB session gumawa ng isang resolusyon na dapat tiyakin na ang fire hydrants ay gumagana at may sapat na tubig.

Napag-usapan din ang pagbabawal sa open burning ng solid waste at iba pang combustible materials at ang lalabag may kaukulang multa.

Tinalakay din ng Konseho ang pagbibigay ng incentive sa mga kwalipikadong health workers ng bayan ng Limay sa ilalim ng Primary Care Provider program na naglalayong pag-ibayuhin ang paghahatid ng serbisyo -medikal sa mga liblib na pook ng bayan.

Leave a comment