FAB, 100% renewable energy na ang ginagamit

FAB, 100% renewable energy na ang ginagamit

Tuluyan nang nakamit ng Freeport Area of Bataan (FAB) ang paggamit ng 100 porsyentong renewable energy matapos makumpleto ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang malawak na portfolio ng malinis na enerhiya na binubuo ng solar at geothermal power.

Sa loob ng Freeport, inilagay ang 6-megawatt rooftop solar facility sa 14 gusali ng pabrika upang direktang makapag-supply ng kuryente sa mga locator sa araw at mabawasan ang pag-asa sa grid. Dagdag pa rito, nagbibigay ng suporta ang 20-megawatt Mariveles Solar Plant ng Citicore Solar Bataan Inc. sa Barangay Alas-Asin para tugunan ang peak demand. Para sa tuloy-tuloy na operasyon, kumukuha rin ng baseload power mula sa Tongonan Geothermal Power Plant sa Leyte, na may 600-megawatt kapasidad.

Ayon kay AFAB Administrator at CEO Hussein Pangandaman, ipinapakita ng hakbang na ito na maaaring pagsabayin ng isang economic zone ang paglago ng ekonomiya at pagsusulong ng sustenableng enerhiya, na higit pang nagpapalakas sa posisyon ng FAB bilang destinasyon ng mga mamumuhunan.

Leave a comment