banner

Firecrackers bawal sa Dinalupihan

Written by
  • Greg R.
  • 12 months ago

Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng paputok (fircrackers) sa Dinalupihan, Bataan alinsunod sa isang Executive Order na ipinalabas ni Mayor Ma. Angela S. Garcia kamakailan.

Sinabi ni Rollie Rojas, municipal administrator, na mahigpit ang kautusan ni Mayor Gila na ipagbawal sa buong Dinalupihan ang anumang uri ng paputok para iwas sakuna.

Ayon kay Rojas, makikipag-ugnayan sa Dinalupihan PNP ang munisipyo para sa implementasyon ng naturang executive order. Ito umano ay naayon din sa alituntunin ng Local Government Code na nagmamandato sa Local Government Unit na magpasa ng sariling batas para sa ikabubuti ng mamamayan.

Kaugnay pa rin nito, nagkaroon ng switch-on ceremony para sa Christmas light sa plaza ng Dinalupihan sa pamamagitan ng video at zoom para maiwasan ang pagkakahawaan ng Covid-19, taliwas sa mga nakaraan na kung saan ito dinadaluhan ng maraming residente.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares