banner

1st slogan/poster-making contest on anti-smoking ginanap sa Bataan capitol

Written by
  • Nerlie L.
  • 8 years ago

LUNGSOD ng BALANGA,  Bataan —-   Labing-isang empleyado ng provincial capitol ang lumahok sa kauna-unahang on the spot slogan and poster-making contest na inilunsad ng Anti-Smoking and Tobacco Control Task Force bilang bahagi ng kampanya ni Bataan Gov. Albert S. Garcia na hikayatin ang mga kawani na itigil na ang paninigarilyo bunsod ng masamang epekto ng tabako sa kalusugan.

Inanunsyo sa flag raising ceremony kaninang umaga ang mga nagwagi sa nasabing patimpalak kung saan nakuha ni Mary Jane V. Reyes (na hindi nakadalo), ng Jose C. Payumo Jr. Memorial Hospital (JCPJMH) ang first prize na may premyong P3,000, habang 2nd prize naman si Alex B. Calma ng Provincial Population Commission (POPCOM) na may premyong P2,000 at 3rd prize naman si JV C. Baluyot ng Provincial Engineering Office (PEO) na may katumbas na premyong P1,000.

Tumanggap naman ng papuri mula kay Gov. Garcia ang mga nanalo kasabay ang paghikayat sa mga empleyado na makipagtulungan sa kampanya ng provincial government at ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagsugpo sa paninigarilyo kung saan lumilitaw na 75% ng mga sakit na nakukuha ng isang tao na maaari rin nitong ikamatay ay life-style related diseases kasama na rito ang paggamit ng tabako.

Magsisilbi namang official promotional materials ang mga nanalong posters na ikakabit sa iba’t ibang lugar sa provincial capitol habang idinisplay naman sa lobby ng kapitolyo ang iba pang posters ng mga sumali sa naturang patimpalak na isinagawa noong Oktubre 30, 2014.

Kasabay ng on the spot slogan and poster-making contest, pinangunahan naman ni Dr. Rosanna Buccahan ng Provincial Health Office (PHO)  ang isang small-group counselling on anti-smoking and tobacco control na ginanap sa PCDO conference room na nilahukan din ng ilang kawani ng kapitolyo kabilang ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Article Tags:
·
Article Categories:
Health · News

Comments are closed.

Shares