Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa matapos makamit ang Moderate Compliance sa 2024 Local Government Unit Compliance Assessment sa ilalim ng Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program.
Ayon kay Mayor Anne Inton, sumasalamin ang naturang pagkilala sa patuloy na pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng mga programang pangkalikasan na layong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga daluyan ng tubig na konektado sa Manila Bay.
Pormal na ipinrisenta ang pagkilala noong Enero 28, 2026 ng Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) na si Jake de Luna, bilang patunay ng sama-samang pagtutulungan ng pamahalaang bayan at mamamayan tungo sa mas malinis at mas ligtas na kapaligiran.