Hermosa, lumipad sa pag-unlad

Hermosa, lumipad sa pag-unlad

Sa kanyang unang 100 araw bilang Punong Bayan ng Hermosa, iniulat ni Mayor Anne Adorable-Inton ang iba’t ibang proyekto at programang ipinatupad upang ipagpatuloy ang mga nasimulan ng kanyang asawa at dating alkalde na si Jopet Inton. Kabilang dito ang mga inisyatiba sa kalusugan gaya ng medical missions, pamamahagi ng libreng gamot, at pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na residente.

Sa sektor ng edukasyon, ipinangako ni Mayor Inton ang pagpapatupad ng temang “Invest in Education, Build the Nation” kung saan ipinamahagi ang mga school supplies at solar LED lights, pinalawak ang scholarship program, at nagsagawa ng youth development orientations. Nakatuon din ang lokal na pamahalaan sa kabuhayan sa pamamagitan ng Ina ng Hermosa Livelihood Program para sa mga ina, at Barista Training Program para sa kabataan.

Kasabay nito, binigyang-diin ng alkalde ang mga gawaing pangkomunidad sa ilalim ng temang “One Government, One Community, One Vision.” Nagsagawa ng tree planting activities, coastal cleanup drives, civil wedding ceremonies, at pagpapatupad ng community-based child protection protocols upang higit na mapatatag ang pakikilahok ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan.

Hindi rin nagpahuli ang Hermosa sa mga proyektong pang-imprastruktura at pang-agrikultura na nakapaloob sa temang “Roads to growth, bridges to progress.” Kabilang dito ang Barangay Mabiga Water System, Sitio Nazareno Farm-to-Market Road, at ang nakatakdang SCTEX interchange. Inilunsad din ang 22.7MW solar power project sa Hermosa Ecozone, habang isinusulong ang mas malalaking pamumuhunan gaya ng posibleng data center sa dating BNPP at pagbubukas ng mga bagong bangko sa bayan

Leave a comment