Hindi kinalimutan ni Mayora Anne Inton ng Hermosa, ang mahalagang ambag ng mga barangay tanod sa kani-kanilang mga komunidad kung kaya’t ginawa silang mga benipisyaryo ng suportang pinansyal nitong nakaraang Kapaskuhan.
Ayon kay Mayora Anne Inton, saludo siya sa matapat na sebisyo, sipag at tiyaga sa walang sawang paglilingkod ng mga barangay tanod sa kani-kanilang mga barangay, at talaga umanong sulit na sila ay tulungan lalo na’t panahon ng Kapaskuhan.
Nakasama ni Mayora Inton sa pamamahagi ng pinansyal na suporta, ang kanyang mga konsehal na sina Kon. Boyet Yandoc, Kon Lou Narciso, ABC Pres. Alfonso Cortez at Mun. Adm. Rex Jorge.