banner

Human settlement model sa bansa, sinimulan sa Bataan

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 months ago

Suportado ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang 1Bataan Village township development plan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan na naglalayong mas mapabuti pa ang pamumuhay ng mga pamilyang nabibilang sa mga informal settlers at pasiglahin ang pag-unlad ng ekonomiya sa mga bayan ng Mariveles, Orion, Orani at Lungsod ng Balanga.

Ito ang sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa ginanap na MoU signing at capsule-laying ceremony nitong nagdaang Sabado. Aniya ang housing and township plan ng Bataan, sa pangunguna ni Gov. Jose Enrique Garcia III, ay dapat na gayahin o gawing modelo sa buong bansa dahil nag-aalok ito ng sustainability.

Ang iminungkahing 1Bataan Village township ay kinabibilangan ng mid-rise at high-rise housing, commercial spaces at recreational parks. “Ito ang magiging BGC ng Bataan,” pahayag ng Kalihim sa kanyang simple ngunit malamang mensahe.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang mga pangunahing lokal na opisyal ng Bataan sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Bataan 2nd District Rep. Abet Garcia, 3rd District Rep. Gila Garcia, Mayors Francis Garcia, AJ Concepcion, Alex Acuzar, Tonypep Raymundo, Vice Mayor Lito Rubia and SB Members, Board Members Popoy Del Rosario, Angel Sunga at Tony Roman III, Architect Henry Mayuga, AFAB Administrator Emmanuel Pineda, DHSUD at PagIBIG officials, barangay officials at ilang benepisyaryo.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares