Business

Ika-11 Negosyo Center binuksan sa bayan ng Limay

0

Binuksan nitong Martes ang ika-11 DTI Negosyo Center sa bayan ng Limay na ayon kay DTI Prov’l Director Nelin Cabahug ay malaking tulong sa mga negosyante sa nasabing bayan dahil hindi na nila kinakailangang pumunta pa ng Balanga para kumuha ng permit sa DTI lalo pa’t mahirap mag-commute at mataas ang pamasahe. Sa kanyang mensahe ay nagpasalamat si Mayor Nelson David, dahil aniya, malaking tulong ito sa kanilang mga negosyante lalo na umano ngayong panahon ng pandemya.

Nagkaroon ng simpleng ribbon cutting para opisyal ng buksan ang nasabing negosyo center gayundin ang paglagda ng mga kinatawan ng DTI at mga opisyal ng LGU sa memorandum of agreement hinggil sa kanilang mga obligasyon para sa pagpapanatili ng negosyo center at mga gawain nito.

Sa kanyang pangwakas na pananalita, sinabi ni Vice Mayor Richie David na nakalulungkot ang nangyayari sa atin sa panahong ito, ika nga, “we strive to survive or we die” kaya nga pinalalakas ng mga ganitong programa ang namumuno sa LGU lalo pa ang maliliit nilang mga negosyante dahil alam naman umano natin na dalawa lamang ang inaasahan ng bawat pamilya, ang sarili nilang kakayahan o ang Pamahalaan, kung kaya’t malaking tulong ito kung patuloy silang may ikabubuhay.

DTI, namahagi ng livelihood kits

Previous article

House joint committees approve HB 201

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business