Kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Morong umangat

Kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Morong umangat

Tumanggap ang Samahang Magsasaka ng Alilao Irrigation Inc. sa bayan ng Morong ng 480 ready-to-lay chickens, kumpletong cage package at 24 na sako ng chicken layer feeds mula sa DA RFO 3 sa ilalim ng kanilang Scale-up Palayamanan Program, na malaking suporta sa dagdag na kita at matatag na kabuhayan ng mga magsasaka.

Samantalang ang mga mangingisda ay dumalo sa isang seminar para lalo pang maliwanagan sa Supreme Court Ruling  hinggil sa commercial fishing sa loob ng 15-km radius sa municipal waters sa Morong.

Sinabi ni Mayor Leila Muñoz na bukod pa sa tulong sa mga mangingisda at mga magsasaka ay naghatid din ang MAO-DA ng libreng anti-rabies vaccination, neutering, deworming at vitamin injections sa bawat barangay para matiyak ang kalusugan at proteksyon ng kanilang mga alagang-hayop sa buong bayan ng Morong.

Ayon pa kay Mayor Leila Muñoz, katuwang ang mga ahensya ng NAPC, DOLE, DSWD, TESDA, BFAR at DA ay patuloy silang magsisikap sa pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan sa lahat ng sektor ng kanilang mga mamamayan.

Leave a comment