banner

Kakaibang kainan sa Bataan

Written by
  • Perla E.
  • 9 years ago

   BALANGA City – Buhat sa malayo, tila karaniwiang pamasaherong bus ito na nakaparada sa tabi ng ilog malapit sa tulay at commercial district ng Lungsod ng Balanga sa Bataan.

   Sa malapitan, ito pala’y isang bus na may Double-decker na ginawang kainan na ang pangalan ay “Goto Mobile” na bukas ng 24 oras. Puno ng mga kumakain ang parehong deck nito. 

   “Kakaiba ang kainang ito. Ngayon lang ako napunta rito pero babalik ako at isasama ko mga kaibigan ko,” sabi ni Shay Marasigan, isang empleyado, na kasama ang kanyang batang pamangkin na tila sarap na sarap sa paghigop ng goto.

   “Nag-iisa lang ito sa Bataan,” sabi pa ni Marasigan.

   Sinabi ni Alma Arceo, kahera ng kainan, na bukod sa goto ay marami pa silang iba’t-ibang pagkain tulad ng lahat ng klase ng silog at lumpia. Ang goto ay P30 – P35.

   Habang kumakain, nalilibang ang mga tao sa panonood sa television na nakatutok sa mga palabas ng GMA 7.

  Ang kakaibang kainan ay halos 300 metro lamang ang layo sa plaza ng Balanga.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares