banner

Liderato ng mga Garcia, lumutang sa pagpili sa site ng PSTC

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Isa ito sa mga naging basehan, ayon kay PSC Commissioner Butch Ramirez kung bakit Bataan ang napili nila over other provinces like Antipolo, Rizal, Bulacan and Pampanga.

Sa kanyang mensahe sinabi ni PSC Ramirez ang mahahalagang bagay na isinaalang-alang nila sa pagpili sa Bataan bilang site ng PSTC. Una ang historical value ng Bataan, kilala agad kapag binanggit mo ang pangalan dahil nakatatak na sa kasaysayan ang kagitingan ng Bataan, lalo na at ang lugar na pagtatayuan ng PSTC ay malapit lamang sa Mt. Samat.

Pangalawa, napakaganda ng feedback sa liderato ng mga Garcia sa lalawigan, the simplicity of the Garcias and their dedication in serving the people of Bataan, na nakatutuwa umano na marami kang maririnig na mga magagandang proyektong ginagawa nila sa lalawigan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

Lalo na umano ang itatayong tulay na magdurugtong sa Bataan at Cavite na malaking bagay para sa mga atleta at opisyal ng PSC, na magiging madali para sa kanila ang pagpunta sa Bataan.

Naniniwala umano siya na matutuwa ang mga atleta at mga taga PSC sa Bataan, dahil sa magaganda at makukulay na lugar sa Bataan, masasarap na pagkain, na ayon pa sa kanya, tiyak marami ang magkagugusto na dito na rin manirahan sa lalawigan.

Ang itatayong Phil. Sports Training Center (PSTC) sa lalawigan ay magiging sentro ng pagsasanay ng lahat ng atleta sa buong bansa na lalahok sa mga international events/competition lalo na sa olympics gaya ng swimming, basketball, wrestling, marathon, track and field.

Article Categories:
Sports · Uncategorized

Leave a Reply

Shares