Marami pang proyektong pangkaunlaran ang makakamtan ng Bataeños sa mga darating pang taon at kailangan lang namin ang inyong pakikiisa at pakikipagtulungan.
Ito ang buod ng mensahe ni Bataan Gov. Joet Garcia sa State of the Province Address (SOPA) noong Sabado ng hapon kaugnay ng Ika-269 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bataan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng gobernador na lalo pang paiigtingin ang mga programang pangkabuhayan, edukasyon, kalusugan at educhild.
Sinabi rin ni Gov. Joet na marami pang mga dokumento at mga requirements ang isinasaayos para maipagpatuloy ang mga proyekto sa pabahay.
Kasalukuyang isinasaayos ang pagsasakatuparan ng Bataeno Pass para sa lahat ng taga-Bataan upang mapadali ang pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaang panlalawigan, dagdag pa ng gobernador.