banner

Mariveles, Most PWD-Friendly Municipality

Written by
  • Ronald F. S.
  • 8 years ago

Hindi na baguhan ang industriyal na bayang ito  sa mga parangal dahil sa pagsusulong ng kagalingan ng sektor ng PWD’s dahil noong 2011 ay tinanggap nito ang Apolinario Mabini Award for local government unit (LGU)-municipal level.

Ilan sa mga naging matagumpay na programa ng Mariveles ay ang PWD Summer Olympics, advocacy seminar para sa mga magulang, annual assembly ng PWDs, libreng artifical leg para sa amputee, at pamamahagi ng mga wheelchairs.

Nakuha naman ng mga bayan ng Orion at Pilar ang ikalawa at ikatlong parangal kasama ang plake ng pagkilala at cash prize.

Sa naganap na panlalawigang selebrasyon, nanguna ang pambato ng Mariveles na si Rodel Diones, isang pilay, sa outdoor photography na sinundan sa ikalawa at ikatlong puwesto nina Ira Margarette Cabulao, pipi at bingi, ng Limay at Alodia Dela Rosa ng Abucay.

Samantalang napagwagian ni Princess Ann Beltran ng Pilar ang quiz bee, na sinundan nina Rhynne Fuentes ng Orani at Liah May De Luna ng Dinalupihan.

Tumanggap din mula sa Jesus Christ of Latter-day Saints ang mga PWDs ng 35 wheelchairs, 7 walkers, 5 quad canes, isang pares ng crutches, at isang white cane.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares