banner

Mas magandang koordinasyon, pangako ni Gov. Joet

Written by
  • Zeny S.
  • 9 months ago

Ito ang ikinatuwa ng grupo ng mga mamamahayag sa lalawigan sa kauna-unahang Kapihan para sa taong 2023, nang sabihin ni Gov. Joet Garcia, na umasa umano ng mas magandang koordinasyon ang media sa lahat ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan, upang maipaalam sa ating mga kababayan.

Sinabi ng magiting na Gobernador na alam umano niya ang mabigat na bahagi ng bawat isa, at umaasa siya na magkakatulungan para maging matagumpay ang mga kapaki-pakinabang na mga hangarin ng Pamahalaang Lalawigan para sa taong-bayan.

Sa pamamagitan ng media, ayon pa kay Gov. Joet, ay maipaaabot sa ating mga kababayan ang mahahalagang impormasyon para sa kaalaman ng ating mga mamamayan.

Hiniling ni Gov. Joet Garcia ang pakikipagtulungan ng bawat isa at kung mayroong tanong, huwag umanong mag atubiling hingin ang kanyang tulong gayundin si Gng. Angel Ortiz Luis Lara, hepe ng PIO para sa mga impormasyong kinakailangan upang mas mapabuti pa ang pamamahayag.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares