MBDA Act, isinalang sa Committee on Government Enterprise and Privatization

MBDA Act, isinalang sa Committee on Government Enterprise and Privatization

Ibinalita ni Cong. Abet Garcia na mahalaga ang isinagawang pagdinig ng Committee on Government Enterprise and Privatization sa House Bill No. 2706 o AN ACT CREATING THE METRO BATAAN DEVELOPMENT AUTHORITY, DEFINING ITS POWERS AND FUNCTIONS, AND PROVIDING FUNDS THEREFOR na siyang mangangasiwa sa paghahatid ng serbisyo sa ating rehiyon at titiyak sa maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na Pamahalaang sakop nito.

Ayon pa kay Cong. Abet, isa sa mahahalagang napagkasunduan ay ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na siyang babalangkas upang mailakip ang mga angkop na probisyon at siguruhin na nasasaklaw nito ang bawat apektadong komunidad at grupo.

Sa pangunguna nina Cong. Gila at Cong. Abet Garcia, na siyang may akda sa nasabing panukala, inaasahang ang nasabing TWG ay agad na magpupulong sa mga susunod na araw.

Pinasalamatan nina Cong. Abet at Cong. Gila sina Committee Chair Eric Olivarez, Rep. Ramil Hernandez at iba pang  mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Budget and Management, Subic Bay Metropolitan Authority, University of the Phil at Department of Environment and Natural Resources sa isang makabuluhang talakayan.

Leave a comment