COVID-19 News

Mega quarantine facility, bukas na

0

Pinangunahan ni Gobernador Albert Raymond Garcia ang inagurasyon ng 1Bataan Central Quarantine and Isolation Facility sa Orani, Bataan.

Ayon kay Gob. Abet, kailangan nang gamitin ang nasabing pasilidad upang maisauli na ang mga paaralan, hotel at iba pang establisimyento na ginamit na quarantine facility noong kasagsagan ng hawahan ng COVID sa Lalawigan, upang muling makapagnegosyo at makabalik na rin sa trabaho ang Gob. Abet mga empleyado.

Masaya ang Gobernador dahil naipatutupad ng mga opisyal ng barangay ang mga alituntunin ng 1Bataan Seal of Covid-Free Barangay kung kaya’t unti-unting bumababa ang bilang ng mga nahahawa sa nakamamatay na sakit.
Pinuri ni Garcia, ang lahat ng mga frontliners na mula noong Marso hanggang sa ngayon ay handa pa ring magbigay ng serbisyo sa mamamayan.

Pinakiusapan naman ni Congressman Joet ang taong bayan na sumunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng Pamahalaan.
Kaugnay nito sinabi ni Vice-Governor Cris Garcia, na hindi hihinto ang Sangguniang Panlalawigan sa pagpapasa ng mga ordenansa kaugnay sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mamamayan ng Lalawigan ng Bataan.

Latest posts by Jonie L. Capalaran (see all)

Katayuan ng Petron pinag-aaralan ng LGU

Previous article

Bataan’s Mega Q Facility now in operation

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply