COVID-19 News

Mga meyor, pinaalalahanan

0

Isa sa binigyang-diin ni Gob. Abet Garcia sa kanyang mensahe noong nakaraang Biyernes sa pormal na pagbubukas ng 1Bataan Central Quarantine and Isolation Facility sa bayan ng Orani, ay ang paalala sa mga punong bayan na maging alerto sa biglang pagtaas ng bilang ng mga magpopositibo sa COVID-19 sa papalapit na Pasko.

Ayon kay Gob. Garcia natutuwa siya dahil parami nang parami ang mga barangay na nabibigyan ng pagkilala dahil sa mahusay na serbisyo at pagsisikap na mapababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang mga komunidad.
Subalit kasabay umano sa pagluwag ng ating sitwasyon sa MECQ ay kinakailangang maging alerto ang lahat ng opisyal dahil tiyak umanong marami sa ating mga kababayan ang makalilimot sa mga health protocols dahil sa excitement sa nalalapit na Pasko.

Sinabi ni Gob. Abet na ito ang pangamba ng IATF at ng DILG kung kaya’t kailangan umano na paigtingin ang pagpapaalala sa ating mga kababayan na iwasan muna ang mga Christmas party o anumang mass gatherings, iwasan ang matataong lugar tulad ng mall o maging ang simbahan, huwag bayaan ang mga anak na magcarolling, mamasko at iba pa.
Ayon pa rin sa Gobernador, maaring iba sa nakagisnan natin ang pagdiriwang ng Pasko sa ngayon, ngunit sa ating munting selebrasyon, “let’s keep it simple yet meaningful and safe”.

Mayor Jopet identifies freeport zone

Previous article

Ani ng mga magsasaka, may siguradong bibili

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply