Gayun na lamang ang pasasalamat ng mga nasunugan kay Gov. Abet Garcia ng bumisita ito sa Brgy. West Calaguiman, bayan ng Samal dala ang tseke na nagkakahalaga ng P800, 000. 00 na siyang gagamitin para sa pagpapatapos sa konstruksyon ng kanilang mga tahanan. Ayon sa mga nasunugan, ang ginawa ni Gob. Abet ay hamon sa kanila para bumangon at ituloy ang buhay.
Sinabi ni Gob. Abet na kaisa nila ang Pamahalaang Lalawigan sa pagharap sa mga ganitong pagsubok at umalalay sa abot ng makakaya, gayundin ipakita ang malasakit sa kapwa upang manaig ang bayanihan na siyang tunay na kahulugan ng 1Bataan.
Ipinaalala din ng gobernador ang ibayong pag iingat sa banta ng COVID-19 kasabay sa pagpapanatili ng pag asa na tayo ay sama-samang makababangon sa sakuna man o pandemya.
Siniguro naman ni Mayor Aida Macalinao sa kanyang mga kababayan na nasunugan na sila ay magdiriwang ng Pasko sa kani kanilang bagong tahanan.
Bilang pasasalamat sa tulong na ipinagkaloob sa kanila, ay nagbigay ng munting regalo ang mga nasunugan kay Gob. Abet.