Tatlumpu’t-apat (34) na pamilyang nasunugan sa Brgy. West Calaguiman bayan ng Samal ang naging benepisyaryo ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa na programa ng DTI sa tulong ni Sen. Bong Go.
Ayon kay Prov’l Director Nelin Cabahug ng DTI-Bataan, ang bawat Negosyo Package na naglalaman ng mga grocery items na nagkakahalaga ng P10, 000. ay gagamitin ng mga naging biktima ng sunog bilang panimulang kapital sa kanilang negosyo.
Samantala, ipinaabot naman nina Cong. Geraldine Roman at Mayor Aida Macalinao ng Samal sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan ang kanilang pasasalamat na walang sinuman sa mga nasunugan ang nagkaroon ng COVID. Pinasalamatan din nila ang lahat ng mga nagparating ng tulong partikular na ang DTI upang ang kanilang mga kababayan ay makabangong muli. Gayundin kay Gob. Abet Garcia na agad na nagpadala ng tulong sa mga nasunugan upang makapagpagawa ng kanilang mga bahay na inaasahang matitirahan na bago dumating ang Pasko.
- P10M pondo ibinigay ni Sen. Nancy Binay sa bayan ng Pilar - January 22, 2021
- Mayor Macalinao sang ayon sa “Face to Face Classes” - January 21, 2021
- 89 na pulis, nabigyan ng promosyon sa Bataan - January 20, 2021
Comments