banner

Mga residente hinihikayat na mag pa- booster shot na

Written by
  • Greg R.
  • 3 weeks ago

Hinikayat ni Bataan Gov. Albert Garcia ang mga mamamayan na magpa-booster shot na at palagi pa rin magsuot ng face mask.

Sa panayam na ginanap noong noong Martes sa Mariveles, sinabi ng gobernador na nakahanda naman ang lalawigan ng Bataan kung sakaling magkakaroon ng panibagong surge o pagtaas ng kaso ng COVID-19 pagkapos ng May 9 national at local elections.

Ang mga disaster command center umano ay nakahanda sa anumang puwedeng mangyari sa mga susunod na buwan.

“Pero huwag na natin hintayin ang pagkakataon na ganyan, natuto na tayo, magpa-booster na tayo at ituloy pa rin ang pagsusuot ng face mask, paghugas ng kamay at sana maranasan na natin ang new normal at ipanalangin natin na wala nang surge na mangyari,” dagdag pa ng punong-lalawigan na ngayon ay tumatakbo para kongresista sa ikalawang distrito ng Bataan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
COVID-19 News · News · Vaccination

Leave a Reply

Shares