Isang Memorandum of Agreement ( MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Orani sa pamumuno ni Mayor Jon Arizapa at DSWD Region lll sa pangunguna ni DSWD Regional Director Venus Rebuldela na naglalayong paigtingin pa ang ugnayan at pagtutulungan sa pagpapatupad ng mga programa ng DSWD kabilang na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Orani.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Jon Arizapa sa DSWD sa patuloy na suporta at pagtutok sa mga programang panlipunan na naglalayong mapabuti ang kapakanan at mapataas ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang taga Orani.
Naniniwala si Mayor Jon Arizapa na ang MOA ang simula nang higit pang kaluwagan sa pamumuhay ng mga pamilyang mapapabilang sa 4Ps dahil ito ang magtataguyod sa kanila para mapaunlad pa ang aspeto ng edukasyon, kalusugan, livelihood at iba pa tungo sa pag-angat ng antas ng kalagayan ng mga pamilya.