Ginanap ang Grand Coronation Night ng Bb. Mariveles 2026 sa People’s Park nitong ika-20 ng Pebrero, kung saan nasaksihan ang talino, ganda, husay at makabuluhang adbokasiya ng 15 kandidatang kumatawan sa 15 barangay sa bayan ng Mariveles. Itinanghal si Bb Cassandra de Jesus ng Brgy. Ipag bilang Ms. Mariveles 2026. Naging 1st runner -up naman si Ms. Jiane Ashley ng Brgy. Mt. View, 2nd runner-up si Ms. Marissa Marquez ng Brgy.Maligaya, 3rd runner-up si Ms. Rose Ann Centina ng Brgy. Camaya at 4th runner-up si Shekainna Mae Tabanes ng Brgy. Biaan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor AJ Concepcion na ang Bb Mariveles ay higit pa sa isang patimpalak ng kagandahan dahil ang gabi ay nagsilbing pagdiriwang ng kakayahan at papel ng kababaihan sa lipunan, patunay na ang bawat Mariveleña ay may lakas, talino at puso upang maging katuwang sa pag-unlad at pagkakaisa ng komunidad.
Kasama rin sa maningning na programa sina Cong. Gila Garcia, Vice Mayor Jesse Concepcion at kanyang maybahay na si Dr. Cleotilde Concepcion, mga Sang. Bayan members, mga opisyal ng barangay at pamahalaang bayan ng Mariveles.