Isinumite ni Bataan Representative Tony Roman III ang House Bill 615, o National English Competency Act, na naglalayong palakasin ang kasanayan sa wikang Ingles ng mga Pilipino. Ayon kay Rep. Roman, layunin ng panukala na himukin ang bawat Pilipino mula sa “Don’t English me, I’m panic” tungo sa “Bring it on, world!” sa paggamit ng Ingles.
Nilalaman ng House Bill 615 ang pagdaraos ng iba’t-ibang programa gaya ng spelling bees, debates, at iba pang English competitions na bukas sa lahat ng Pilipino. Binibigyang-diin ni Rep. Roman na hindi lamang ito tungkol sa pagpapabuti ng wika kundi pati na rin sa pagpapalakas ng kumpiyansa at pagbibigay nang mas maraming oportunidad sa bawat kalahok.
Aniya pa, sa pamamagitan ng nasabing panukala, mas maihahanda ang mga Pilipino na harapin ang mga lokal at internasyonal na oportunidad. “Kung handa tayong magsalita sa mundo, mas handa rin tayong magtagumpay dito at abroad,” dagdag ni Rep. Roman.