banner

Batuhang ilog magandang paliguan, pasyalan

Written by
  • Perla E.
  • 9 years ago

   BALANGA City- Isang batuhan at mahabang ilog sa isang upland village sa Balanga City ang dinarayo ng maraming tao upang maligo at magsilbing lugar para sa bonding ng mag-aanak at magbabarkada.

   Masayang pinapawi ng mga kabataan ang init ng tag-araw sa pagbababad sa mababaw na tubig ng ilog sa pag-itan ng mga bato sa river park sa Tanato, isang upland barangay sa Balanga.

   Habang nagtatampisaw sa malamig na tubig ang mga kabataan, masaya namang naghahanda ng pagkain ang mga magulang at walang tigil sa kuwentuhan ang mga senior citizen sa kubong may atip na dahon ng niyog sa tabi ng ilog.

   “Walang bayad sa pagpasok dito. Sa mga pahingahan, bahala na kung magkano ang iabot sa may-ari na hindi lalampas ng P200 maghapon,” sabi ni Tess Field na naghahanda ng pagkain para sa mga kasamang estudyante sa high school.

   Walang tigil sa kuwentuhan ang mga senior citizen kabilang si Corazon Jimenez, 68. Tahimik daw ang lugar at walang ingay na maririnig kundi ang agos ng tubig.

Article Tags:
·
Article Categories:
Tourism

Comments are closed.

Shares