Dalawang-araw na seminar na may temang; “One Knowledge, One Action: Strengthening Anti- Tobacco Enforcement” ang isinagawa sa bayan ng Mariveles sa pangunguna nina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion, SB on Health Jester Ivan Ricafrente at Dr. Gerald B. Sebastian ng MHO, upang umano’y palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa paninigarilyo at paggamit ng vape sa bayan ng Mariveles.
Ipinaliwanag ni Mayor AJ Concepcion na layunin ng seminar, na ginanap sa Widus Hotel sa Clark, Pampanga na pagtibayin ang kampanya para sa isang SMOKE-FREE MARIVELES.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga panganib sa kalusugan dulot ng paninigarilyo, mga best practices ng probinsya, ang implementasyon ng Mariveles Tobacco Control Ordinance at pagbuo ng Barangay Task Force at patakaran ng mga paaralan para sa tobacco control.
Samantala, naniniwala si Vice Mayor Jesse Concepcion na ang pagtutulungan ng Pamahalaan, mga barangay at mga institusyon ang magdadala sa bayan ng Mariveles tungo sa isang malusog at ligtas na komunidad at malaya sa usok ng sigarilyo.