Isang pamaskong pa-almusal ang handog ni Yorme Aida Macalinao sa lahat ng day care children sa buong bayan ng Samal na sinimulan kahapon ng umaga sa Barangay Palili at Imelda.
Masaganang inalmusal ng mga bata ang champorado, kalakip ang regalo sa kanila ni Mayor Aida Macalinao na mga mansanas, gatas at biscuits, na lalong nagpasaya sa mga bata kasama ang kanilang mga magulang.
Ayon kay Mayor Macalinao, ito ang kanyang simpleng handog ngayong pasko sa mga bata sa day care na bagamat may pandemya ay hindi niya hinayaang maging malungkot, bagkus nais niyang maging masaya silang lahat gayundin siguruhin ang kanilang nutrisyon at kalusugan.
Sa pagtitipon ding iyon ay pinaalalahanan ni Mayor Macalinao ang mga magulang na huwag na munang payagan ang kanilang mga anak na magcarolling, mamasko sa kanilang mga ninong at ninang gayundin panatihin ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa COVID-19.
Pinuri ni Mayor Macalinao ang barangay Palili sa pagiging malinis nito, maayos na kapaligiran, masisipag na opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng mga batas at disiplina para sa kanilang mga kabarangay para iwas COVID.
- “Kamay na nag aalay, kamay na nagbibigay buhay” - January 26, 2021
- P10M pondo ibinigay ni Sen. Nancy Binay sa bayan ng Pilar - January 22, 2021
- Mayor Macalinao sang ayon sa “Face to Face Classes” - January 21, 2021
Comments