banner

Paging systems sa mga barangay ng Abucay, inilalagay na

Written by
  • Mhike R. C.
  • 5 months ago

Sinimulan na ang pag-iinstall o paglalagay ng mga paging systems sa lahat ng barangay sa bayan ng Abucay, na proyekto ng LOVE TERI Foundation.
“Ito po ay para sa ating mga mamamayan bilang tagapagpabatid nang lahat ng mga impormasyon at panawagan ng Pamahalaan lalo na ngayon sa kinakaharap nating pandemya, sa pamamagitan po nito maiiwasan ang pagtitipon at sa paggamit ng paging system ay mabilis na maipararating ang mga safety protocols laban sa COVID-19,” pahayag ni former Board Member Dexter “Teri Onor” Dominguez.

Ayon pa ni Bokal Teri, layunin ng proyektong na mabilis na mai-anunsyo ang mga mahahalagang paalala at babala sa mga mamamayan hindi lamang sa panahon ng pandemya, kung hindi pati na rin sa pagdating ng mga kalamidad, sakuna at mga hindi inaasahang pangyayari.

“Bahagi po ng mga programa ng #LOVETERI ang patuloy na pagtalima kasama ang Pamahalaang Bayan ng Abucay at bawat Sangguniang Barangay sa panawagan na maging handa tayo at maging alerto at walang kabang haharapin ang hamon ng kalikasan,” dagdag pa ni Bokal Teri.

Nagpasalamat din si Dominguez sa Ama ng Lalawigan na si Governor Abet Garcia, 1st District Representative Geraldine Roman, 2nd District Representative Joet Garcia, Abucay Mayor Liberato P. Santiago Jr., Municipal Administrator Engr. Estoy Vergara at Abucay SB Members na sina Konsehal Edwin Bernales, Kons. Dante Magtanong Baluyot, Kons. Mer Canare, ABC Mae Dela Fuente Morales, SK President Ellimac Magtanong at mga barangay officials sa kanilang pagbibigay pahintulot na maisakatuparan ang proyektong ito.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares